Nakapaloob dito ang paghahangad ng pagkamit ng kalayaan.
Kailangan nating maging totoo sa sarili dahil baka di natin alam na naaalipin na tayo ng ating sarili.Ang tunay na malaya ay hindi lamang nakakagala tayo,nakukuha ang gusto. kundi naging totoong malaya tayo kapag hindi tayo nakokonsensya,malinis ang isip at maginhawa kahit na may problema.Masyadong malawak ang mundong ating ginagalawan at ang mundong ito ay nagbabago .
Minsan ang mga bagay na ating pinagkakaunawaan at maging dahilan ng pinag-aawayan.Ang buhay natin ay simple lang pero tayo na mismong mga tao ang gumagawa ng dahilan para maging komplikado ito.
Nalaman ko na ang mga katangian na meron ang diyos ay meron pala tayo.Ibinahagi niya sa atin kung anong meron siya ,kaya wag natin itong sayangin.Mahiwaga ang daigdig marami pang mga bagay na darating sa atin upang turuan tayo.Upang makaiwas sa kaalipinan ng sarili gumawa lang ng mabuti ng naaayon sa sarili.