Sabado, Hunyo 30, 2012

Ang aking takdang aralin na kwento ni mabuti ni Genoveva D. Edroza



 
       Ang kwento ni mabuti ay tungkul sa isang guro.Sa isang pangkaraniwang guro lamang pero ito pala ay may tinatagong problema tungkul sa kanyang pamilya.Naihahambing dito ang ating mga guro sa kanya.Ayun nga sa kaalaman nating lahat, ang guro natin ay ang ikalawang magulang na gumagabay sa atin at nagtuturo ng mga bagong kaalaman.Ang ating mga guro ay may ginaganpanan ding tungkulin di dahil  ito ang kanilang trabaho.kundi nais nilang makatulong sa atin.Sa kwento ni mabuti,naipapakita dito ang relasyon ng isang mag-aaral sa kangyang guro kung paano ito lubos na nkatulong.
       Minsan  nakaharap sa atin ang ating mga guro ng nakangiti pero sa loob ng kanyang damdamin  ay may tinatagong kalungkutan.Ang guro kahit na may karamdaman pumapasok pa rin ito para lang maturuan ang kanyang mga estudyante.Salamat sa ating mga guro na humuhubog sa kaalaman natin kayo ay naging bahagi na ng buhay namin.


Biyernes, Hunyo 29, 2012

Ang aking takdang aralin na Ibong mandaragit ni Amado V. Hernandez

 Ang ibong mandaragit ay kahawig din siya sa luha ng buwaya ngaunit iba ang mga tauhan.May ilang pangyayari sa luha ng buwaya na kahawig din sa ibong mandaragit.Naiiba lamang sila pamamaraan kung paano nila makamit ang kanilang ninanais. dito ang pahayagan at radyo ang kanilang ginamit.

Ang aking takdang aralin Luha ng buwaya ni Amado V. Hernandez


        Ang luha ng buwaya ay tungkul sa  isang mayamang pamilya na nang gigipit sa mga taong dukha.Nakapaloob  dito kung paanu nalutas ng mga taong dukha ang kanilang ikikaharap na problema mula sa pamilya ng mga Grande.Dito ginamit ng mag asawang Grande ang kanilang kayamanan at kapangyarihan upang paikutin o mapasunod ang simbahan at pamahalaan.Sa bandang huli nalaman nila na ang lupa na kanilang inaangkin ay hindi pala nila pagmamay ari.
         Ang aral dito hindi dapat tayo maging sakim dahil ang bawat kasakiman na ating ginagawa ay may karampatang parusa di lang sa batas kundi maging sa panginoon dahil mata ng diyos ito ay isang malaking kasalanan..

Ang aking takdang aralin na kumbensyon ng dula

Kumbensyon ng dula
1.aside
2. monologo
3.soliloquy

Ang aking mga pagsusulit



Ang aking takdang aralin na gumawa ng dayalogo


Ang takdang aralin na ito.ay gagawa kami ng dayalogo ng magkaibigan na nag uusap tungkul sa kanyang bagong mga kagamitan gamit ang wikang filipino.:)

Ang aking takdang aralin na larawan ng ibat-ibang uri ng pag-ibig


Ang aking takdang aralin.Ang ibat-ibang larawang ito ay nagpapakita ng ibat-ibang uri ng pag-ibig.Makikita mo dito ang  pag-ibig mo sa panginoon,kalikasan,magkasintahan,pamilya,sa kapwa,sa mga nakakatanda,sa alagang mga hayop at pagmamahal sa bayan.

Ang aking takdang aralin na Ang Pag-ibig ni Emilio Jacinto


Ang Pag-ibig ni Emilio Jacinto. Naipapakita dito ang ibat-ibang uri ng pagmamahal na nakapagbibigay sa atin ng aral.Bawat pag-ibig na ating nadarama ay may mga ibat-ibang dahilan.Ayun dito ang pag-ibig ay mahalga sa lahat ng tao..Minsan nakakadarama tayo ng kabiguan pero ang bawat kabiguan na iyon ay may aral na naging dahilan ng ating pagbangon at itama ang mga maling bagay na ating nagawa.Ang pag-ibig ay nakakatulong sa atin upang tayo ay matutu sa buhay.

Ang aking takdang aralin na Sa aking mga kababata ni Dr.Jose P.rizal

  
Ang tulang sa aking mga kababata na mula kay jose rizal  ay naipapakita dito kung gaanu kamahal ni rizal ang ating bayan,wika,at ang pagpapahalaga sa sariling atin.Layunin ni Rizal na bigyan nating ng pagpapahalaga ang ating bayan dahil, tayo ay may dugung pilipino na dumadaloy sa ating katawan.Ang tulang ito ay para sa mga kabataan ,di lng sa kabataan noon kundi maging sa mga kabataan ngayon.Ang tulang ito ay gawin nating ispirasyon alang alang sa ating pangkasalukuyang panahon.