Biyernes, Enero 18, 2013

Biyernes, Enero 4, 2013

Gawain ko




slogan ko daw hhehe..
;)


liham na ginawa ko sa mga magulang ko at ang sagot nila sa liham ko.

naiiyak ako..

:)

Ang aking mga pagsusulit






                                                                  :)


Tata Selo ni Rogelio R. Sicat









Mahirap makagawa ng kasalanan dahil labag ito sa batas ng tao. Maraming dahilan kung bakit nakakagawa ng kasalanan ang isang tao.

Ang posisyon at kapanyarihan ay huwag gamitin sa masama bagkus gamitin ito sa mabuting gawain. Huwag itong gamitin sa pansariling kaligayahan at pangangailangan. kung kinakailangan natin lumaban at bumangon mula sa pagkalugmok ay gawin natin upang makaahon at magkaroon ng lakas upang harapin ang mga taong mapang api at mapang abuso.

Ika nga walang mang-aapi kung walang magpapaapi.

Mabangis na Lungsod ni Efren Reyes Abueg








Marami tayong nakikita ngunit di natin pinapansin isa na dun ay ang mga bata sa lansangan na napapabayaan at di nabibigyan ng sapat na pangangailangan ng kanilang mga magulang na walang ibang magawa kundi mamalimos upang may makain.


Ito ang tunay na lipunan ng ating bansa maraming nagugutum at di nabibigyan ng pansin. Maraming naghihirap ngunit di nabibigyan ng atensyon. Ang tunay na kalagayan ng mga kabataan sa lipunan natin noon hanggang sa ngayon ay naipapakita sa akda ng mabangis na lungsod. Maswerte ang mga kabataan ngayon na nakukuha ang kanilang mga pangangailangan. Dapat nating pahalagahan at makuntento kung anong meron tayo ngayon, dahil mas maraming mga bata ang higit na naghahangad na makakain ng tatlong beses sa isang araw kaysa magkaroon ng mga makabagong kagamitan.

Isa pa ang ating kapaligiran ay lubos na nakakaapekto sa atin mga tao.


Teoryang Naturalismo :

Nakatuon sa pag-aaral ng kalikasan ng tao sa obhetibong pananaw na walang halong damdamin at pangaral. Pinag-aaralan nito ag kilos at kung paano nag-iisip ayon sa batas ng kalikasan
Pinag-aaralan din ang nanginigbabaw na tema na pagtatanggol sa sarili, katiyakan ng pagkakaganap ng mga pangyayari dahil lahat ay nakatakda, karahasan at paglabag sa kinagisanang tradisyon.







Ang Kalupi ni Benjamine Pascual






Sa pisikal na katangian agad nating nakikilala ang tao. Ngunit ang  pisikal na katangian nga lang ba ng tao ang dapat lang nating maging basihan para mkilala ito?


Tulad ng nangyari sa akda dahil sa maling panghusga sa bata naging dahilan ito ng maagang pagpanaw ng bata habang naninindigan.
Hindi dapat tayo agad na manghuhusga sa isang taong hindi pa nating nakikilala. Ang panghuhusga sa kapwa ay kasalanan sa mata ng lahat at sa mata ng panginoon.


Banaag at Sikat ni Lope K. Santos






Ang nobelang ito ay tungkol sa magkaibigan may magkaibang paniniwala ngunit pareho ang kanilang ipinaglalaban.
Handa ba nating iwan ang ating yaman para sa ating paninindigan? Pero ito ang ginawa ni felipe, iniwan nya ang kanyang yaman para sa kanyang paniniwala.
Pagdating naman sa pag-ibig hindi kayang hadlangan ng kayamanan ang pag-iibigan ng dawalang tao. Hindi bat masarap umibig ng wagas at walang kapalit na salapi.

Teoryang eksistensyalismo:
Sa pananaaw na eksistensyalismo,tao lamang ang sentral at tanging nilikha na makapagbibigay kahulugan ng kanyang buhay.wala ng iba pang nilikha na makapag-iisip at makapagdedesisyon sa lahat ng kanyang ginagawa maliban sa kanya.