Biyernes, Enero 4, 2013

Mabangis na Lungsod ni Efren Reyes Abueg








Marami tayong nakikita ngunit di natin pinapansin isa na dun ay ang mga bata sa lansangan na napapabayaan at di nabibigyan ng sapat na pangangailangan ng kanilang mga magulang na walang ibang magawa kundi mamalimos upang may makain.


Ito ang tunay na lipunan ng ating bansa maraming nagugutum at di nabibigyan ng pansin. Maraming naghihirap ngunit di nabibigyan ng atensyon. Ang tunay na kalagayan ng mga kabataan sa lipunan natin noon hanggang sa ngayon ay naipapakita sa akda ng mabangis na lungsod. Maswerte ang mga kabataan ngayon na nakukuha ang kanilang mga pangangailangan. Dapat nating pahalagahan at makuntento kung anong meron tayo ngayon, dahil mas maraming mga bata ang higit na naghahangad na makakain ng tatlong beses sa isang araw kaysa magkaroon ng mga makabagong kagamitan.

Isa pa ang ating kapaligiran ay lubos na nakakaapekto sa atin mga tao.


Teoryang Naturalismo :

Nakatuon sa pag-aaral ng kalikasan ng tao sa obhetibong pananaw na walang halong damdamin at pangaral. Pinag-aaralan nito ag kilos at kung paano nag-iisip ayon sa batas ng kalikasan
Pinag-aaralan din ang nanginigbabaw na tema na pagtatanggol sa sarili, katiyakan ng pagkakaganap ng mga pangyayari dahil lahat ay nakatakda, karahasan at paglabag sa kinagisanang tradisyon.







Walang komento:

Mag-post ng isang Komento