ang pagmamahal ng isang anak sa isang ina ay walang katumbas maging ang
pagmamahal ng isang ina ay walang kapantay. Ginagawa natin ang lahat upang
mapasaya sila. Hindi mahalaga ang yaman o ang mga mana mula sa kanila dahil
hindi naman natutumbasan ng yaman ang pagmamahal. Ganito kahalaga ang ating mga ina.
Nang mabasa ko ang tulang ito nakaramdam ako ng kalungkutan dahil tila
iiwan na ng ina ang kanyang anak dito sa mundong ibabaw. Pero natutuwa naman
ako dahil ang isang ay may malaking pagpapahalaga sa kanyang ina. Hindi man
tayo handa sa mga bagay na di natin
inaasahan ay kailangan nating tanggapin.
Ito ay tulang pandamdamin at may teoryang humanismo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento