Martes, Pebrero 19, 2013

bangkang papel ni genoveva edroza matute




Mahirap mamuhay lalo na kung ang nasa paligid mo ay hindi payapa. Away dito away doon.

Ang hindi pagkakasundo ng mga rebelde at sundalo ay nakapagdudulot ng takot sa mamayan.

Tulad ng nasa akda isang batang walang muwang sa nangyayari sa kanyang paligid. Nais lamang nya na magpalutang ng mga malalaking bangkang papel ngunit hindi na nya nagawa dahil sa nangyari sa kanyang ama.

marahil di lamang siya ang nakaranas ng ganun pangyayari. Marahil isa lamang siya sa mga batang naulila ng maaga dahil sa parehong kadahilaanan. Maaring namatay sa awayan ng rebelde at sundalo maari ring nadamay lamang.  

 Ito ang mangyayari sa ating bansa kung patuloy tayong magaaway. Walang kapayapaan at katahimikan.
 Hindi Ba't masarap manirahan ng masaya at walang inaalala
:)





Himala ni nora aunor


Totoo bang may himala? Di natin masasabi na may himala nga kung hindi natin ito nakikita at napatunayan. Pero naniniwala ako na may himala na gawa ng panginoon. Ginagawa lang instrumento ng panginoon ang tao upang makagawa ng di pang karaniwang bagay. Walang sino man ang makahihigit sa diyos dahil alam natin na siya lang ang maaring makagawa ng mga himala sa buhay.
Ang isang tao ay nakikilala base sa kanyang ugali, kilos, at karanasan. Dito, nakikilatis natin ang isang tao. Ang karanasan natin ang magtuturo sa ating kung magiging sino tayo.
  ito ay may teoryang saykolohikal.

Pamana ni Jose Corazon de Jesus


ang pagmamahal ng isang anak sa isang ina ay walang katumbas maging ang pagmamahal ng isang ina ay walang kapantay. Ginagawa natin ang lahat upang mapasaya sila. Hindi mahalaga ang yaman o ang mga mana mula sa kanila dahil hindi naman natutumbasan ng yaman ang pagmamahal. Ganito  kahalaga ang ating mga ina.
Nang mabasa ko ang tulang ito nakaramdam ako ng kalungkutan dahil tila iiwan na ng ina ang kanyang anak dito sa mundong ibabaw. Pero natutuwa naman ako dahil ang isang ay may malaking pagpapahalaga sa kanyang ina. Hindi man tayo handa sa mga bagay  na di natin inaasahan ay kailangan nating tanggapin.
Ito ay tulang pandamdamin at may teoryang humanismo.




Kinagisnang balon ni Andres Cristobal Cruz







Dapat nating pahalagahan kung anong meron tayo. Hindi naman masama ang umahon sa hirap. Minsan wala na tayong magagawa kundi gawin ang bagay na ayaw natin dahil kinakailangan. Kailangang magsikap. Sabi nga nila mayroong isang anak na magmamana ng trabaho ng magulang. Tanggapin natin ang nakalaan sa atin. Huwag nating ikahiya kung anong meron tayo lalo na’t marangal ito.
Ito ay may teoryang eksistensyalismo.



Banyaga ni Liwayway Arceo




Huwag nating kalimutan ang mga taong nagging bahagi ng buhay nati. Kahit na matagal na panahon nawalay sila at muling nagkita sana hindi na maging iba ang turing natin. Kaya nga kung saan tayo nagmula kailangan natin balikan. Kung sakaling man tayo ay umalis at bumalik huwag tayong magbago  at panatilihin ang mabuting pag-uugali. Huwag palipasin ang mga pagkakataon na meron tayo.
Nakakalungkot isipin na sa pagbabalik mo sa inyong lugar ay halos hindi ka makilala at ang turing nila ay iba mula sa kanilang nakasanayan.
Ito ay may Pananaw feminismo.


himala ni rivermaya isang awitin




mga gawain ulit :)






Biyernes, Enero 18, 2013

Biyernes, Enero 4, 2013

Gawain ko




slogan ko daw hhehe..
;)


liham na ginawa ko sa mga magulang ko at ang sagot nila sa liham ko.

naiiyak ako..

:)

Ang aking mga pagsusulit






                                                                  :)


Tata Selo ni Rogelio R. Sicat









Mahirap makagawa ng kasalanan dahil labag ito sa batas ng tao. Maraming dahilan kung bakit nakakagawa ng kasalanan ang isang tao.

Ang posisyon at kapanyarihan ay huwag gamitin sa masama bagkus gamitin ito sa mabuting gawain. Huwag itong gamitin sa pansariling kaligayahan at pangangailangan. kung kinakailangan natin lumaban at bumangon mula sa pagkalugmok ay gawin natin upang makaahon at magkaroon ng lakas upang harapin ang mga taong mapang api at mapang abuso.

Ika nga walang mang-aapi kung walang magpapaapi.

Mabangis na Lungsod ni Efren Reyes Abueg








Marami tayong nakikita ngunit di natin pinapansin isa na dun ay ang mga bata sa lansangan na napapabayaan at di nabibigyan ng sapat na pangangailangan ng kanilang mga magulang na walang ibang magawa kundi mamalimos upang may makain.


Ito ang tunay na lipunan ng ating bansa maraming nagugutum at di nabibigyan ng pansin. Maraming naghihirap ngunit di nabibigyan ng atensyon. Ang tunay na kalagayan ng mga kabataan sa lipunan natin noon hanggang sa ngayon ay naipapakita sa akda ng mabangis na lungsod. Maswerte ang mga kabataan ngayon na nakukuha ang kanilang mga pangangailangan. Dapat nating pahalagahan at makuntento kung anong meron tayo ngayon, dahil mas maraming mga bata ang higit na naghahangad na makakain ng tatlong beses sa isang araw kaysa magkaroon ng mga makabagong kagamitan.

Isa pa ang ating kapaligiran ay lubos na nakakaapekto sa atin mga tao.


Teoryang Naturalismo :

Nakatuon sa pag-aaral ng kalikasan ng tao sa obhetibong pananaw na walang halong damdamin at pangaral. Pinag-aaralan nito ag kilos at kung paano nag-iisip ayon sa batas ng kalikasan
Pinag-aaralan din ang nanginigbabaw na tema na pagtatanggol sa sarili, katiyakan ng pagkakaganap ng mga pangyayari dahil lahat ay nakatakda, karahasan at paglabag sa kinagisanang tradisyon.







Ang Kalupi ni Benjamine Pascual






Sa pisikal na katangian agad nating nakikilala ang tao. Ngunit ang  pisikal na katangian nga lang ba ng tao ang dapat lang nating maging basihan para mkilala ito?


Tulad ng nangyari sa akda dahil sa maling panghusga sa bata naging dahilan ito ng maagang pagpanaw ng bata habang naninindigan.
Hindi dapat tayo agad na manghuhusga sa isang taong hindi pa nating nakikilala. Ang panghuhusga sa kapwa ay kasalanan sa mata ng lahat at sa mata ng panginoon.


Banaag at Sikat ni Lope K. Santos






Ang nobelang ito ay tungkol sa magkaibigan may magkaibang paniniwala ngunit pareho ang kanilang ipinaglalaban.
Handa ba nating iwan ang ating yaman para sa ating paninindigan? Pero ito ang ginawa ni felipe, iniwan nya ang kanyang yaman para sa kanyang paniniwala.
Pagdating naman sa pag-ibig hindi kayang hadlangan ng kayamanan ang pag-iibigan ng dawalang tao. Hindi bat masarap umibig ng wagas at walang kapalit na salapi.

Teoryang eksistensyalismo:
Sa pananaaw na eksistensyalismo,tao lamang ang sentral at tanging nilikha na makapagbibigay kahulugan ng kanyang buhay.wala ng iba pang nilikha na makapag-iisip at makapagdedesisyon sa lahat ng kanyang ginagawa maliban sa kanya.